PILIPINAS
PILIPINAS
Clark Lyndon R. Sun
Pilipinas kong mahal, ikaw lamang ang tanging bubong ng aking buhay
na kahit anong klaseng unos ay handang ipaglaban sa natapakan kong pamumuhay.
Nagsilbi kang mahiwagang araw sa Silangan
Unti-unting bumabangon para sa mga Pilipino na tulad kong umaasam sa iyong kasikatan.
Bukod tangi ka ngang mayaman, Pilipinas ko
dahil sa angkin mong kagandahan, ika'y lubos kong iniibig, ipinagmamalaki at hinahangaan.
At sa aking tunay at tapat na pagka-Pilipino, ako'y lubos na nangangakong buong buhay kitang paglilingkuran at 'di kailan ma'y iiwan.
Mundo at dugong dumadaloy sa aking ugat ay sa'yo lamang ilalaan,
sapagkat likas 'mong kayamanan ay nag-iisa at hindi mapapantayan ng kahit anong kinang na halaga.
Salamat at ika'y simula ng aking pagkatao, PILIPINAS ko.
. By: Clark Lyndon R. Sun
True-blood FILIPINO
http://clarkychin.blogspot.com/2010/04/pilipinas.h...